Tuesday, February 23, 2010

when all has left

MIDSEMESTER BREAK

pretend that it is a bottle of Tuborg and right beside it is a pack of cheese rings. imagine being in a playground surrounded with empty swings and houses with a white picket fence. your music's the barking of the dogs and the irregular honks of cars passing by. complete the scene with a star-studded sky while sitting under a tree drinking beer while having a convo with a part-time lover.


part 1. spend your day with a good friend. talk about nothing but love and 10 years from now. run to catch the departing ferry, be stared at by people for wearing a knee-length skirt, and differentiate a lebanese, indonese, filipinese, malaynese.

part 2. look at the line dividing the water from the sky at night. then appreciate the different colors of lights reflected to the sea water. try speaking elementary malay and feel proud. talk about heartbreaks and future dreams, jobs and salaries - make it ANYTHING. then regret the fact that you left your cam. too many good shots missed.


watch the gong xi fa cai fireworks atop the room. sleep at 8 am and wake up 11 am. be afraid to sleep while its dark so resolve on sleeping at daybreak.

 relish the monopoly of the huge LG flatscreen tv. feel like a princess with superb airconditioning. do a high school musical marathon and wonder why you are watching it. be hungry with all the food at the asian food channel.

realize that dinners alone don't make for good appetite. no matter how sweet roti susu can be. be approached by a random person and listen to him blab for 2 hours. then after the "conversation" be praised with how much he allegedly enjoyed the conversation when all you did was nod and say yes. eat once a day and not talk for the whole day except when ordering food. try all the food in an indian restaurant and choose ayam tandoori as the best.










Friday, February 19, 2010

Sa pag-uusap namin ng aking kaibigan, merong mga bagay na matagal ko nang iniisip na nagawan ko ng kongkretong plano sa tulong ng inspirasyon mula sa aming pag-uusap. Hindi ko na muna isisiwilat kung ano ang mga iyon sa takot na baka mabulilyaso pa. Mapamahiin kasi akong tao pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa goals, plano, at mga pangarap.

Bago ako makarating sa Malaysia, ang tanging pinangarap ko lang ay yumaman. Handa akong gawin kung ano ang sa tingin ko ay nararapat para lamang makamit ito. Hindi parin ito nagbabago. Subalit, dahil sa dami ng oras ko rito para mag-isip at magbasa ng kung anu-ano at makipag-usap sa kung sinu-sinong tao, meron akong mga napagtanto.

Kaya ko gustong yumaman dahil ayaw kong danasin habang ako'y nabubuhay kung ano man ang dinaranas ko ngayon. Saka na ang buong detalye kapag mayaman na talaga ako para mas maganda ang kwento. Gusto ko ring yumaman para makapagtapos ang mga kapatid ko sa kursong gusto nila. At panghuli, kaya ko gustong yumaman para makapagtayo ng kung anu-anong negosyo at makabili ng mga lupain.

Wala parin namang nagbago. Sa pagyaman ko, ito ang gusto kong gawin muna. Pero hindi pala sapat para sa akin ang mga ganitong hangarin lamang. Napakababaw para sa isang taong hinubog ng sari-saring ideolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas.

Meron pa akong gustong gawin maliban sa mga ito. At ito ang dagdag pang bala para mas itulak ko pa ang sarili patungo sa gusto kong marating.

Ito ang magiging dahilan kung bakit manonood ako ng mga pelikulang hindi naman ako masyadong interesado, magbabasa ng iba pang mga aklat maliban sa kasalukuyan kong binabasa, at mag-iinternet hindi lamang para makapag-Facebook.

Ngayon ko lang nadama ang ganitong uri ng motibasyon. Makeso man kung pakinggan pero ito na yata ang apoy na matagal ko nang hinahanap. Kung saan-saan pa kasi ako naghanap ng posporo.

Malaysia, sa tingin ko lang naman

ang sumusunod ay sinipi mula sa isang mensahe para sa isang kaibigan:


1. they don't mind eating using their hands sa mga cafeteria.
2. boys are huge fans of football (mao ba ni ang tawag sa game nga naay manchester united?).
3. they drive on the right side (as in tanan kay right so makaconfuse at first)

4. sun rises at 730 am and sets on 730 pm.
5. they have various kinds of fried rice which they call nasi goreng. they eat it at any meal, unlike sa ato nga usually breakfast lang
6. coke is not a big thing. they have several kinds of drinks na less carbonated. my fave is their milk tea. naa pud sila kopi (as in kadtong kapeng barako)
7. barato ang food. you can eat well at php30.
8. they have a healthy middle class. dali lang maka acquire ug cars kay naa silay own car company. price starts at php140,000 for brand new.
9. free internet sa kanilang state university (i study in their public univ and i'm enjoying the free internet)
10. they have their own bus within the university
11. students are more submissive compared to the students in UP.

Thursday, February 11, 2010

dili lalim

dili lalim mumata ug sayo para mamahaw kung ang sud-an kay ang baho sa sud-an sa silingan.
dili lalim maligo kung ang sabon hinakot nga bula gikan sa nilabhan.

dili lalim muadto sa tarbahuan kung ang serbis kay wa nagparis nga swalo nga napunitan sa dalan.

dili lalim musulod sa iskwilahan kung silupin, lapis ug kinit-ang kukumban ang saligan.

dili lalim mamalit ug tambal kung ang kwarta igo ra sa midya kilong bugas ang kaabtan.

dili lalim matug sa balay nga kagutom, katugnaw, ug kawad-on ang higdaan.

-----
hindi madaling gumising ng maaga kung ang agaha'y amoy ng ulam ng kapit-bahay.

hindi madaling maligo kung ang sabon ay inipong bula mula sa pinaglabhan.

hindi madaling pumunta sa trabaho gamit ang pares ng napulot na tsinelas sa daan

hindi madaling pumasok sa eskwelahan kung plastik, lapis, at bondpaper lang ang gamit.

hindi madaling bumili ng gamot kung ang pera'y kasya lang pambili kalahating kilo ng bigas.

hindi madaling matulog sa bahay kung gutom, kakulangan, at kahirapan ang higaan.

codeswitching: the girl na hinugot from his tadyang

sino ang nagsabi na hindi mo kaya?



upakan natin, you want?


of course hindi yan true…


alam ba niya na kaya mo naman talagang magsplit kung walang tumitingin?


hindi, diba?


i’m sure di rin nya alam na kaya mong iperform ang fundamental math operations kahit nakapikit pa.


kasi naman ikaw e. sinanay mo ang sarili mong nandiyan siya.


di mo naman talaga kailangang magmukhang helpless kung keri mo naman. ayan tuloy, eh di nakalimutan mong kaya mo pala.






pano yan ngayon? nagka-amnesia ka na.


start tayo sa uno, ano pa ba?


mangangapa ka. siyempre sa umpisa lang yan. dati mo namang alam yan e.
ikaw pa!
o ano. you want to call it a day na?
huwag muna… tingnan mo, nakapag half-split ka na.
huwag kasing laging nakapikit kung nakakakita ka naman.
baka tuluyan kang mabulag. ikaw din. sayang kung di mo makikita ang transformation mo.
see… ok ka naman pala! fast-learner pa!
sino ba ang nagsabing di mo pwedeng aralin yan?
seryoso ba siya? pareho naman kayong may utak a.


aba! di porket kumokopya ka lang dati sa kanya ay di mo na kayang gumawa ng iyo.

siyempre di like that ang things no.
sino na naman ba kasi ang pasimuno na like that ang things?
ikaw naman kasi… kung di pa nasira yung silya’y di mo alam na kaya mo naman palang kumpunihin.


nag-antay ka pa.


kung kumuha ka na lang sana ng martilyo at pinukpok to sa gumegeang na paa e di tapos na yan. duh…


nakakatawa ka naman kasi e. nagpapani-paniwala ka sa mga joketime mong naririnig.


wag kasing gullible tsong.


di dahil may tsek ay tama na.


at di rin dahil may ekis ay mali na.


kaya nga dinodouble check yung mga eksam results natin, diba?


wag kasing tanggapin ang things on face value.
tsong naman! kaya mo e!konting kompidens lang kumbaga.

susmaryosep. takot ka?
takot kang malaman niyang kaya mo naman pala?
o takot kang matuklasang kaya mo naman palang mag-isa?






Wednesday, February 10, 2010

Scaredy cat

Kung tutuusin, hindi naman talaga kailangang ikatakot ito. Sa pagkakaalam ko, pangarap ng lahat ng estudyante na makapag-aral under very chill circumstances. Sa lagay ko ngayon, sobrang chill na. Yumeyelo pa nga. 

Bakit nga ba ako natatakot? 

Kasi baka masanay e.

Sa UP kasi lahat ng tao harassed. Me kanya-kanyang magulong mundo, ke acads, love life, trabaho, pamilya, kasarian, etc. Sa kinaroroonan ko ngayon, wala masyado. Masaya ang lahat. Tahimik ang klase, tumitingin sa lupa ang mga babae habang tumatawa, halos lahat me kotse, at libre ang internet. 

Isa sa mga pinagkakaabalahan ko rito, kung meron man ay ang pagpaparaktis na magsulat gamit ang Filipino dahil sa sobrang pangungulila ko. Kailan ba huli kong ginamit ang Filipino maliban sa pagkanta ng mga OPM? Pangalawa ay ang pagbabasa ng kung anu-anong balita. Sa Inquirer, sa PEP. Ang labo kasi ng linya sa pagitan ng dalawa e - pulitika at showbiz. Basa ko abala na ang lahat ng kandidato para sa nalalapit na eleksyon. For once, gusto kong maging proud na Pinoy ako hindi lang dahil sa magandang kasaysayan kundi dahil na rin sa kung paano umunlad ang Pinas matapos ang mahabang taon ng paghihirap. Pangatlo, pag-eexploit sa libreng internet. Grabe lang. Hindi ko naisip na napakalaking bagay pala ng libreng internet  para sa mga mag-aaral (sa susunod na blog ko na tatalakayin kung bakit).

Pag-uwi kong Pinas, paniguradong maninibago ako sa kung gaano kabilis ang lahat. 

Dito kasi aabutin ka ng siyam siyam bago makasakay ng bus. Sa Pilipinas, makita lang ng mga driver ang anino mo, maghihintuan na lahat. Bubusinahan ka pa. Tapos pagsakay mo di dapat pagirl kasi baka maiwan ang isang bahagi ng katawan mo. Eto pa, ang mga studyante rito submissive to the nth power. Wala naman sigurong masama sa pagiging submissive pero kung ang paglawig ng kaalaman ang pakay mo, malamang hindi pwedeng tangu lang ng tango. Pag-uwi kong Pinas sari-saring competing ideas ang maririnig ko sa klase. Merong mga opinyong state-side, pinas-side, at paside-side (di alam kung saan pero go lang ng go sa pagsasalita papanig sa kung saan ang mas profitable na panigan). Wala na rin palang libreng internet pag-uwi ko ano pero meron nang bagong presidente. Di man lang ako makaboto.  Sana yung bagong presidente makagawa ng paraan para maging libre na ang internet sa mga state u. 

Siguro di na lang muna ako mag-iisip at mag-aalala sa kung paano papatayin ng acads sa UP pag-uwi ko. Enjoy na lang muna. Pagaling magsulat ng Filipino para naman sa susunod na magsulat ako, hindi ko na kailangang mamroblema pa kung ano sa Filipino ang "submissive".






Thursday, February 4, 2010

Huling Hirit

Kahit na malabnaw, pwede na rin. 

Itapon na ang self-reservation at self-preservation na yan. Kalikasan lang ang pinipreserve. Slot lang sa 5-star restaurant ang rinireserve.

Integridad? Lahat tayo meron niyan. Kahihiyan? Meron din ako niyan. 

Sabi ko dati (bago ko makilala si pag-ibig), di ako mamumutangina pero, heto. Namutangina na ako. 

Kung pagsisisihan ko man 'to balang araw, dahil baka mabasa ng mga upright kong mga kaibigan, future employers, future employees, future boylet, future fling, future asawa, future manugang, future apo, future students, future fans, future detractors, at future etc. 

Let it be known na sambeses sa makulay kong buhay (oo di ako colorblind) ako ay nasaktan at nagmahal nang lubusan. First time e. Kaya masakit.

Buti na lang naimbento ang pamumutangina para sa mga taong di na makayanan ang sakit at walang extensive na bokabularyo para pangalanan ang sakit. Pati nga sakit o, pabalik balik ko nang ginagamit.
Heto na pipol! TAE ANG SAKIT SAKIT. WALANG PAGSIDLAN.IKAW NA NANAKIT SANA'Y MASUNOG KA NA LANG SA INIT O KAYA'Y MANIGAS SA LAMIG!

Pinirmahan, ika-4 (paborito ko pa naman sanang numero ito) na araw ng Pebrero taong 2010. Sa Penang, Malaysia kung saan may daan-daang uri ng fried rice at pagse"selamat".

Kasihan nawa ako.




Wednesday, February 3, 2010

Ugly girls dare not hope.

Your fantasies about finding prince charming who will love you for you best remain in your journals where they belong. Coz sweethearts, life doesn't work that way. In real life, Fiona will not marry Shrek nor Shrek will marry Fiona had he been prince. Have you ever seen a non-exceptional looking fairy tale character? 

Never. 

So before you keep your hopes high, put them low first, where they belong. Naturally.

monologue

excerpts from a one-sided conversation,

i've been so happy the past weeks. daming new things, new people, new friends







i love that i am not pressured dito. just living the life.






i found a weird job for myself but i'm enjoying it. i'll never get to do it anyway in the phils.






some days, i cry not because i miss my family but because of him. i'm trying to be ok though it's hard especially when he suddenly pops out from nowhere






i watched avatar in the cinema and loved it so much. while watching it, i thought of you. we should watch more movies. next time would be my treat.


i thought na ang avatar ay pinaghalong pocahontas, eragon, battle of terra, and surrogates lang

nice all the same. nakakastress.

yesterday, i went to a new friend's room and watched a korean movie. iyak iyak na naman.







afterwards she gave me a notebook to appease me.






i joined the cooking contest last monday, we didn't win but it was fun and we got chopstick and place mats






a reminder na i have to learn how to use chopsticks






the sun doesn't rise til 7 am and doesn't set til 7 pm






and now i wonder if you are still reading




relapse 3

You did it again.

When will you stop?

Tuesday, February 2, 2010

relapse2

You casually look at your page to see what's new. Then the chat window pops-out.

Don't you just hate those times?

You are not yet recovered and some insensitive twits you off. Damn.

You want to do 2 things:
1. Yell and shout with rage.
2. Cry until you are dehydrated.

Monday, February 1, 2010

Grammy's

Fearless is Album of the Year. What could be worse than that?

Nothing. 

Want the complete list? Click on this.