Kung tutuusin, hindi naman talaga kailangang ikatakot ito. Sa pagkakaalam ko, pangarap ng lahat ng estudyante na makapag-aral under very chill circumstances. Sa lagay ko ngayon, sobrang chill na. Yumeyelo pa nga.
Bakit nga ba ako natatakot?
Kasi baka masanay e.
Sa UP kasi lahat ng tao harassed. Me kanya-kanyang magulong mundo, ke acads, love life, trabaho, pamilya, kasarian, etc. Sa kinaroroonan ko ngayon, wala masyado. Masaya ang lahat. Tahimik ang klase, tumitingin sa lupa ang mga babae habang tumatawa, halos lahat me kotse, at libre ang internet.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ko rito, kung meron man ay ang pagpaparaktis na magsulat gamit ang Filipino dahil sa sobrang pangungulila ko. Kailan ba huli kong ginamit ang Filipino maliban sa pagkanta ng mga OPM? Pangalawa ay ang pagbabasa ng kung anu-anong balita. Sa Inquirer, sa PEP. Ang labo kasi ng linya sa pagitan ng dalawa e - pulitika at showbiz. Basa ko abala na ang lahat ng kandidato para sa nalalapit na eleksyon. For once, gusto kong maging proud na Pinoy ako hindi lang dahil sa magandang kasaysayan kundi dahil na rin sa kung paano umunlad ang Pinas matapos ang mahabang taon ng paghihirap. Pangatlo, pag-eexploit sa libreng internet. Grabe lang. Hindi ko naisip na napakalaking bagay pala ng libreng internet para sa mga mag-aaral (sa susunod na blog ko na tatalakayin kung bakit).
Pag-uwi kong Pinas, paniguradong maninibago ako sa kung gaano kabilis ang lahat.
Dito kasi aabutin ka ng siyam siyam bago makasakay ng bus. Sa Pilipinas, makita lang ng mga driver ang anino mo, maghihintuan na lahat. Bubusinahan ka pa. Tapos pagsakay mo di dapat pagirl kasi baka maiwan ang isang bahagi ng katawan mo. Eto pa, ang mga studyante rito submissive to the nth power. Wala naman sigurong masama sa pagiging submissive pero kung ang paglawig ng kaalaman ang pakay mo, malamang hindi pwedeng tangu lang ng tango. Pag-uwi kong Pinas sari-saring competing ideas ang maririnig ko sa klase. Merong mga opinyong state-side, pinas-side, at paside-side (di alam kung saan pero go lang ng go sa pagsasalita papanig sa kung saan ang mas profitable na panigan). Wala na rin palang libreng internet pag-uwi ko ano pero meron nang bagong presidente. Di man lang ako makaboto. Sana yung bagong presidente makagawa ng paraan para maging libre na ang internet sa mga state u.
Siguro di na lang muna ako mag-iisip at mag-aalala sa kung paano papatayin ng acads sa UP pag-uwi ko. Enjoy na lang muna. Pagaling magsulat ng Filipino para naman sa susunod na magsulat ako, hindi ko na kailangang mamroblema pa kung ano sa Filipino ang "submissive".
0 comments:
Post a Comment