Thursday, February 11, 2010

codeswitching: the girl na hinugot from his tadyang

sino ang nagsabi na hindi mo kaya?



upakan natin, you want?


of course hindi yan true…


alam ba niya na kaya mo naman talagang magsplit kung walang tumitingin?


hindi, diba?


i’m sure di rin nya alam na kaya mong iperform ang fundamental math operations kahit nakapikit pa.


kasi naman ikaw e. sinanay mo ang sarili mong nandiyan siya.


di mo naman talaga kailangang magmukhang helpless kung keri mo naman. ayan tuloy, eh di nakalimutan mong kaya mo pala.






pano yan ngayon? nagka-amnesia ka na.


start tayo sa uno, ano pa ba?


mangangapa ka. siyempre sa umpisa lang yan. dati mo namang alam yan e.
ikaw pa!
o ano. you want to call it a day na?
huwag muna… tingnan mo, nakapag half-split ka na.
huwag kasing laging nakapikit kung nakakakita ka naman.
baka tuluyan kang mabulag. ikaw din. sayang kung di mo makikita ang transformation mo.
see… ok ka naman pala! fast-learner pa!
sino ba ang nagsabing di mo pwedeng aralin yan?
seryoso ba siya? pareho naman kayong may utak a.


aba! di porket kumokopya ka lang dati sa kanya ay di mo na kayang gumawa ng iyo.

siyempre di like that ang things no.
sino na naman ba kasi ang pasimuno na like that ang things?
ikaw naman kasi… kung di pa nasira yung silya’y di mo alam na kaya mo naman palang kumpunihin.


nag-antay ka pa.


kung kumuha ka na lang sana ng martilyo at pinukpok to sa gumegeang na paa e di tapos na yan. duh…


nakakatawa ka naman kasi e. nagpapani-paniwala ka sa mga joketime mong naririnig.


wag kasing gullible tsong.


di dahil may tsek ay tama na.


at di rin dahil may ekis ay mali na.


kaya nga dinodouble check yung mga eksam results natin, diba?


wag kasing tanggapin ang things on face value.
tsong naman! kaya mo e!konting kompidens lang kumbaga.

susmaryosep. takot ka?
takot kang malaman niyang kaya mo naman pala?
o takot kang matuklasang kaya mo naman palang mag-isa?






0 comments: