Kahit na malabnaw, pwede na rin.
Itapon na ang self-reservation at self-preservation na yan. Kalikasan lang ang pinipreserve. Slot lang sa 5-star restaurant ang rinireserve.
Integridad? Lahat tayo meron niyan. Kahihiyan? Meron din ako niyan.
Sabi ko dati (bago ko makilala si pag-ibig), di ako mamumutangina pero, heto. Namutangina na ako.
Kung pagsisisihan ko man 'to balang araw, dahil baka mabasa ng mga upright kong mga kaibigan, future employers, future employees, future boylet, future fling, future asawa, future manugang, future apo, future students, future fans, future detractors, at future etc.
Let it be known na sambeses sa makulay kong buhay (oo di ako colorblind) ako ay nasaktan at nagmahal nang lubusan. First time e. Kaya masakit.
Buti na lang naimbento ang pamumutangina para sa mga taong di na makayanan ang sakit at walang extensive na bokabularyo para pangalanan ang sakit. Pati nga sakit o, pabalik balik ko nang ginagamit.
Heto na pipol! TAE ANG SAKIT SAKIT. WALANG PAGSIDLAN.IKAW NA NANAKIT SANA'Y MASUNOG KA NA LANG SA INIT O KAYA'Y MANIGAS SA LAMIG!
Pinirmahan, ika-4 (paborito ko pa naman sanang numero ito) na araw ng Pebrero taong 2010. Sa Penang, Malaysia kung saan may daan-daang uri ng fried rice at pagse"selamat".
Kasihan nawa ako.
1 comments:
emo. hahahaha.
Post a Comment